Chi (kana)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ち, sa hiragana, o チ sa katakana, ay isa sa Kanang Hapones na kumakatawan sa isang mora. Ayon sa ponema, /ti/ dapat ang pagbigkas ng mga ito bagaman dahil sa mga sanhing ponolohikal, ang aktwal na pagbigkas ay [t͡ɕi] ( makinig)link=| Tungkol sa tunog na ito .
Hiragana |
Katakana | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Transliterasyon | chi, ti | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
may dakuten | ji, zi, di | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hiragana Man'yōgana: | 知 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Katakana Man'yōgana | 千 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pagbaybay sa kana | 千鳥のチ (Chidori no "chi") | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Mukhang magkahawig ang kanji para sa isang libo (千, sen) at チ, at dati na magkaugnay ang mga ito, ngunit sa ngayon ginagamit ang チ bilang ponema, habang nagdadala ang kanji ng kahulugang napakaiba at walang kinalaman sa チ.
Maraming mga salitang sintunog na nagsisimula sa ち na nauukol sa mga bagay na maliit o mabilis.[1]
Bihira ang mga anyong dakuten na ぢ, ヂ, na binibigkas tulad ng mga anyong dakuten ng shi kana sa karamihan ng mga diyalekto (tingnan ang yotsugana). Pangunahing ginagamit ang mga ito upang ipahiwatig ang tininigang katinig sa gitna ng tambalang salita (tingnan ang rendaku), at hindi sila maaaring magsimula ng isang salita, bagaman isusulat ng mga ilang tao ang salita para sa almuranas (karaniwang じ) bilang ぢ para magbigay-diin. Minsan, ginagamit ang anyong dakuten ng titik shi kapag nagtutumbas ng "di", kumpara sa anyong dakuten ng チ; halimbawa, isinusulat ang Aladdin bilang アラジンArajin, at isinusulat ang radyo bilang ラジオ. Gayunman, mas karaniwang gamitin ang ディ sa halip, tulad ng ディオン upang isalinwika ang pangalang Dion.
Sa wikang Ainu, binibigkas ang チ mismo bilang [t͡ʃi], at maaaring isama sa mga katakanang ヤ, ユ, エ, at ヨ upang isulat ang iba pang mga tunog ng [t͡ʃ] pati na rin ng [t͡s]. Maaaring palitan ang kumbinasyong チ ェ (binibigkas bilang [t͡se]), ng セ ゚.