Dasmariñas
lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Kabite / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lungsod ng Dasmariñas (kadalasang pinaiikling Dasma) ay isang unang klaseng bayan na naging isang ganap na lungsod na nasa lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa layong 30 kilometro timog ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 703,141 sa may 171,618 na kabahayan. Ito ang pinakamaraming tao sa Cavite. Ito ay sukat na 90.1 kilometro parisukat.
Agarang impormasyon Dasmariñas Lungsod ng Dasmariñas, Bansa ...
Dasmariñas Lungsod ng Dasmariñas | |
---|---|
Dasmariñas City | |
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Dasmariñas. | |
Mga koordinado: 14°20′N 120°56′E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Kabite |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Cavite |
Mga barangay | 75 (alamin) |
Pagkatatag | 1868 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Jennifer Austria-Barzaga |
• Pangalawang Punong Lungsod | Raul Rex Mangubat |
• Kinatawan | Elpidio Barzaga Jr. |
• Manghalalal | 400,074 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 90.13 km2 (34.80 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 703,141 |
• Kapal | 7,800/km2 (20,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 171,618 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 8.78% (2021)[2] |
• Kita | ₱3,152,841,767.40 (2020) |
• Aset | ₱10,123,647,479.58 (2020) |
• Pananagutan | ₱2,359,939,075.07 (2020) |
• Paggasta | ₱2,732,136,268.36 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 4114, 4115, 4126 |
PSGC | 042106000 |
Kodigong pantawag | 46 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Isara
Naging lungsod ang Dasmarinas sa pamamagitan ng Republic Act 9723 na pinagkaloob ng pangulo noong 15 Oktubre 2009 at pinagtibay na naganap na plebisito noong nakaraang 26 Nobyembre 2009.