Ang ika-6 na dantaon (taon: AD 501 – 600), ay isang panahon mula 501 hanggang 600 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano. Sa Kanluran, minarka ang panahon na ito bilang ang katapusan ng Klasikong Antikwidad at ang simula ng Gitnang Panahon. Ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano noong huling bahagi ng nakaraang siglo ay nag-iwan sa Europa ng pagbali sa maraming maliit na Alemang kaharian na mabangis na nakikipagkumpitensya para sa lupain at yaman.

Thumb
Ang mundo noong simula ng mundo noong ika-6 na siglo AD.

Kasaysayan

Mula sa pag-aalsa, bumangon sng mga Pranko sa katanyagan at inukit ang isang may kalakihan dominyo na tinatakpan ang karamihan ng makabagong Pransya at Alemanya. Habang, nagsimula ang natitirang Kanlurang Imperyong Romano na lumaki sa ilalim ni Emperador Justiniano I, na muling binihag ang Hilagang Aprika mula sa Vandals at sinubok na ganap na muling makuha ang Italya, sa pag-asa na muling ibalik ang kontrol ng Romano sa mga lupain ng minsa'y pinamunuan ng Kanlurang Imperyong Romano.

Sa ikalawang nitong Ginintuang Panahon, naabot ng Imperyong Sasanida ang tuktok ng kapangyarihan nito sa ilalim ni Khosrau I noong ika-6 na siglo.[1] Ang klasikong Imperyong Gupta ng Hilagang Indya, ay higit na nasobrahan ng mga Huna, ay natapos noong gitnang ika-6 na dantaon.

Sa Hapon, ang panahong Kofun ay nagbigay-daan sa panahong Asuka. Pagkatapos na mahati sa higit sa 150 taon sa mga Dinastiya sa Katimugan at Hilaga, muling napag-isa ang Tsina sa ilalim ng Dinastiyang Sui tungo sa dulo ng ika-6 na siglo. Nanatili ang Tatlong Kaharian ng Korea sa buong siglo. Naging pangunahing kapangyarihan ang Göktürks sa Gitnang Asya na tinalo ang Rouran.

Sa mga Amerika, nagsimulang manghina ang Teotihuacan noong ika-6 na siglo pagkatapos ng maabot ang tugatog nito sa pagitan ng AD 150 and 450.

Mahalagang tao

  • Haring Arturo, malaamat na Britong hari at nagtagumpay sa mga Anglosahon
Thumb
Haring Arturo

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.