Pransiya
bansa sa Europa From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Pransiya (Pranses: France), opisyal na Republikang Pranses, ay bansa na pangunahing matatagpuan sa Kanlurang Europa. Pinapaligiran ito ng Belhika at Luksemburgo sa hilaga, Alemanya sa hilagang-silangan, Bambang ng Inglatera sa hilagang-kanluran, Suwisa sa silangan, Karagatang Atlantiko sa kanluran, Espanya at Andorra sa timog-kanluran, Italya at Monaco sa timog-silangan, at Dagat Mediteraneo sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 643,801 km2 at tinatahanan ng mahigit 68.4 milyong mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Paris.
Ito ay pinaliligiran sa timog ng Espanya, Andorra, Monaco at Dagat Mediterraneo, sa hilaga at kanluran ng Karagatang Atlantiko, at sa silangan ng Belhika, Luxembourg, Alemanya, Suwisa, at Italya.

Remove ads
Pangalan
Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig sabihin ay "Lupain ng mga Prangko". Maraming mga teorya ang nagsasabi ng pinagmulan ng pangalan ng mga Prangko.
Pamahalaan
Ang Republikang Pranses ay isang unitaryong semi-pampanguluhan na republika na may matibay na tradisyong demokratiko. Ang konstitusyon ng Ikalimang Republka ay inaprubahan ng isang reperendum noong 28 Setyembre 1958. Ito ang lalong nagpatibay sa autoridad ng tagapagpaganap sa relasyon nito sa tagapagbatas. Ang sangay tagapagpaganap ay may dalawang pinuno: ang Pangulo ng Republika, na Pinuno ng Estado at direktang inihahalal ng mga mamamayan para sa limang-taong panunungkulan (dating pitong taon), at ang Pinuno ng Pamahalaan, na pinamumunuan ng itinalagang Punong Ministro.
Remove ads
Pagkakahating Pampangasiwaan

Ang Pransiya ay nahahati sa 27 rehiyong pampangasiwaan, 22 ay nasa Metropolitanong Pransiya (21 ay nasa kontinental na bahagi ng Metropolitanong Pransiya); ang isa ay ang teritoryong kolektibo ng Corsica, at ang lima ay mga dayuhang rehiyon. Ang mga rehiyon ay nahahati sa 101 mga departamento na may bilang (pangunahing naka-alpabeto). Ang mga bilang ay gamit sa mga kodigong postal at mga bilang ng mga plaka ng sasakyan.
Panitikan
Ang panitikang Pranses ay ang panitikan ng Pransiya o, sa pangkalahatan, ang panitikang nakasulat sa wikang Pranses, partikular na ng mga mamamayan ng Pransiya, kahit na ang manunulat ay hindi nagmula sa Pransiya. Maaari rin itong tumukoy sa panitikan isinulat ng mga taong naninirahan sa Pransiya na nagsasalita ng tradisyunal na mga wika ng Pransiya kahit na hindi wikang Pranses. May mga bansa ding bukod sa Pransiya na nagsasalita ng Pranses. Kabilang sa mga bansang ito ang Belhika, Suwesya, Canada, Senegal, Alherya, Moroko, at iba pa. Ang panitikang ganito, na isinulat ng mga mamamayan ng mga nabanggit na mga bansa ay tinaguriang panitikang Prankopono. Magmula noong 2006, ang mga manunulat ng Pranses ay nagawaran ng mas maraming mga Premyong Nobel sa Panitikan kaysa mga nobelista, mga makata, at mga tagapagsanaysay ng iba bang mga bansa. Ang Pransiya mismo ay nakahanay bilang una sa talaan ng mga Premyong Nobel sa panitikan ayon sa bansa.
Remove ads
Silipin din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads