Diabetes mellitus
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang diabetes mellitus ay isang uri ng diabetes na sanhi ng depekto sa pankreas. Kinakikitaan ang taong may ganitong sakit ng kakulangan sa insulina, hindi mapakinabangang mga karbohidrato sa katawan, labis na asukal sa dugo at ihi. Mayroon ding sobrang pagkauhaw, pagkagutom at pag-iihi, pamamayat, at asidosis. Kapag hindi mareremedyuhan ng insulina, maaaaring mamatay ang isang tao.[1] Ito ang uri ng diyabetes na mas kalimitang natatawag lamang bilang diabetes. Ang World Diabetes Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Nobyembre 14.