Frances Willard
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Frances Elizabeth Caroline Willard (Setyembre 28, 1839 – Pebrero 17, 1898) ay isang edukador, supragista, at mangrerepormang Amerikano na tumulong sa pagtatatag ng Women's Christian Temperance Union (WCTU), kung saan siya ay naging pangulong pambansa noong 1879 at nanatiling pangulo ng WCTU sa loob ng 19 na mga taon. Naging aktibo siya sa kilusan ng pagbibigay ng karapatang bumoto sa kababaihan.[1] Siya ang lumikha ng slogan na "Do everything" (Gawin ang lahat) para sa mga babae ng WCTU upang udyokin ang pagla-lobby, pagpepetisyon, pangangaral, paglalathala, at edukasyon. Ang kaniyang pananaw ay sumulong na magsangkot ng tulong na pederal sa edukasyon, libreng tanghalian sa mga paaralan, unyon para sa mga manggagawa, araw ng trabaho na binubuo ng walong oras lamang, hanapbuhay para sa mga mahihirap, sanitasyon o kalinisang munisipal, mga lupon na pangkalusugan, transportasyong pambansa, mabisang mga batas laban sa panggagahasa, at mga pruteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga bata.[2]