Harapang patinig
Patinig na nagagawa mula sa harapang bahagi ng bibig / From Wikipedia, the free encyclopedia
Harapang patinig (Ingles: front vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng pinakamataas na bahagi ng dila sa harapang bahagi ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit katulad ng sa mga katinig.[1] Kilala rin ang mga harapang patinig bilang mga malilinaw na patinig (Ingles: bright vowel) dahil sa pagiging mas "malinaw" ng mga patinig na ito (kung papakinggan) kesa sa mga likurang patinig.[2] Sa wikang Tagalog, [i] (hal. ilog) at [e] (hal. mesa) ang mga harapang patinig.[3]
Karagdagang impormasyon PPA: Mga patinig, Harap ...
PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Isara
Naglalaman po ang artikulong ito ng mga ponetikong simbolo ng PPA. Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga mga karakter ng Unicode kung hindi po suportado ang pag-render sa mga ito.
Isang uri ng mga harapang patinig ang mga halos harapang patinig (Ingles: near-front vowel). Walang wika sa mundo ang gumagawa ng isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga harapan at halos harapang patinig.