Hefei
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hefei ( /həˈfeɪ/, Tsino: 合肥) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng lalawigan ng Anhui sa silangang Tsina.[2] Isa itong antas-prepektura na lungsod na nagsisilbi bilang sentrong pampolitika, ekonomiko, at pangkalinangan ng Anhui. Ito ay nasa gitnang bahagi ng lalawigan, at hinahangganan nito ang Huainan sa hilaga, Chuzhou sa hilagang-silangan, Wuhu sa timog-silangan, Tongling sa timog, Anqing sa timog-kanluran, at Lu'an sa kanluran. Ang Hefei, na isang likas na pusod ng komunikasyon, ay nakapuwesto sa hilaga ng Lawa ng Chao, sa isang mababang bahagi ng tagaytay at tumatawid ng hilagang-silangang karugtong ng Bulubundukin ng Dabie, na bumubuo sa likas na hangganan sa pagitan ng mga Ilog Huai at Yangtze.[3]
Hefei 合肥市 Hofei | |
---|---|
Antas-prepektura na lungsod | |
Paikot sa kanan simula sa taas: Templo ng Diyos ng Lungsod ng Luzhou-Fu; Liwasang Baogong sa dapit-hapon; Estatwa ni Hua Tuo (華佗) sa harap ng Anhui College of Traditional Chinese Medicine; Tanawin ng lungsod ng Hefei; Abenida Huizhou sa kabayanan ng Hefei. | |
Kinaroroonan ng hurisdiksiyon ng Lungsod ng Hefei sa Anhui | |
Mga koordinado: 31°52′N 117°17′E | |
Bansa | Tsina |
Lalawigan | Anhui |
Mga dibisyong antas-kondado | 7 |
Pamahalaan | |
• Kalihim ng Komite ng CPC | Song Guoquan (宋国权) |
• Alkalde | Ling Yun (凌云) |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 11,434.25 km2 (4,414.79 milya kuwadrado) |
• Urban | 725 km2 (280 milya kuwadrado) |
• Metro | 438.2 km2 (169.2 milya kuwadrado) |
Taas | 37 m (123 tal) |
Populasyon (2016) | |
• Antas-prepektura na lungsod | 7,869,000 |
• Kapal | 690/km2 (1,800/milya kuwadrado) |
• Urban (2018)[1] | 3,865,000 |
• Densidad sa urban | 5,300/km2 (14,000/milya kuwadrado) |
• Metro | 3,718,000 |
• Densidad sa metro | 8,500/km2 (22,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (CST) |
Kodigong postal | 230000 |
Kodigo ng lugar | 551 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-AH-01 |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 皖A |
GDP (2016) | CNY 721.3 bilyon |
- sa bawat tao | CNY 92000 |
Websayt | hefei.gov.cn |
Southern magnolia (Magnolia grandiflora L.) Sweet Osmanthus (Osmanthus fragrans Lour.) Blossom of pomegranate (Punica granatum L.) |
Hefei | |||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 合肥 | ||||||||||||||||||||||||||
Postal | Hofei | ||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Tagpuan ng mga [Ilog] Fei" | ||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||
Ang kasalukuyang lungsod ay nagmula pa sa dinastiyang Song. Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanatili isang sentrong pampangasiwaan at pamilihang panrehiyon ang Hefei para sa mayabong na kapatagan sa timog. Dumaan ito sa isang paglago ng impraestruktura sa mga nakalipas na taon.[4]