![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/7/75/Marcharmenians.jpg/640px-Marcharmenians.jpg&w=640&q=50)
Henosidyong Armenyo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Henosidyong Armenyo[note 4] na kilala rin bilang ang Holokaustong Armenyo,[10] ay ang sistematikong paglipol ng gobyernong Otomano ng 700,000 hanggang 1.5 milyong Armenyo,[note 2] karamihang mga mamamayan ng Imperyong Otomano, mula, humigit-kumulang, 1914 hanggang 1923.[11][12] Karaniwang pinepetsahan ang panimula sa ika-24 ng Abril 1915, ang araw na ang mga awtoridad ng Ottoman ay nagpalikom, nag-aresto, at nagdeporta mula sa Konstantinopla (Istanbul ngayon) sa rehiyon ng Angora (Ankara), mga 235 hanggang 270 Armenyong intelektwal at pinuno ng komunidad. Karamihan dito ay pinatay sa huli.
Henosidyong Armenyo | |
---|---|
Bahagi ng mga huling henosidyong Otomano[1][2] | |
![]() Mga Armenyong sibilyan, inihatid ng mga sundalong Ottomano, nagmartsa mula Harput (Kharpert) hanggang isang bilangguan sa malapit na Mezireh (Elâzığ sa kasalukuyan), Abril 1915 | |
Lokasyon | |
Petsa | 1914–1923[note 1] |
Target | Populasyong Armenyo |
Uri ng paglusob | Deportasyon, henosidyo, pangmaramihang pagpatay, kagutuman |
Namatay | c. 1.5 milyon (pinagtatalunan)[note 2] |
Umatake | Imperyong Otomano (Komite ng Unyon at Pag-unlad) |
Motibo | Mga damdaming Anti-armenyo,[9] Turkipikasyon |
Isinagawanag henisodyo noong at pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig at ipinatupad sa dalawang yugto—ang pakyawang pagpatay sa kalalakihang di-baldado sa pamamagitan ng masaker at pagsupil ng mga konskrip ng hukbo sa sapilitang trabaho, kasunod ng pagpapalayas ng kababaihan, kabataan, matatanda, at ang mga may-sakit sa mga martsa ng kamatayan na humantong sa Disyerto ng Sirya. Ipinatuloy ng mga konsorte ng militar, binawian ang mga deportado ng pagkain at tubig at sumailalim sa panaka-nakang pagnanakaw, panggagahasa, at pagpapatay.[13] Naging isang direktang resulta ng henosidyo ang karamihan sa mga pamayanang diaspora ng Armenya sa buong mundo.[14]
Pinalipol rin ang iba pang mga pangkat etniko sa henisodyong Asiryano at ang henosidyong Griyego, at itinuturing ang pagtrato sa kanila ng ilang mga mananalaysay na bahagi ng parehong patakarang henosidyo.[1][2]
Pukaw na pukaw si Raphael Lemkin sa pagkalipol ng mga Armenyo na binigyan niya ng kahulugan ang sistematikong at planadong paglipol sa loob ng mga ligal na parametro at naglikha ng salitang genocide (henosidyo) noong 1943.[15] Kilala ang Henosidyong Armenyo bilang isa sa mga unang modernong henosidyo,[16][17][18] dahil itinuturo ng mga iskolar ang organisadong paraan sa pagsasagawa ng pagpatay. Ito ang pangalawang pinakapinag-aralan na kaso ng pagpatay ng tao pagkatapos ng Holokawsto.[19]
Itinatanggi ng Turkey na angkop na termino ang salitang henosidyo para sa mga krimeng ito ngunit sa mga nakaraang taon pinipilit sila upang aminin na ganyan siya.[20] Magmula noong 2019[update] itinuring ng mga gobyerno at parlamento ng 32 mga bansa, kabilang ang Brasil, Canada, Pransya, Alemanya, Italya at Rusya, pati na rin ang Estados Unidos, ang mga kaganapan bilang henosidyo.