Huwad na sangang pangkatawan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang huwad na sangang pangkatawan ay isang hindi toong sanga ng katawan – maaaring braso, hita, binti, kamay, o paa na ginagamit ng mga taong naputulan nito dahil sa sakuna, o sanhi ng mga suliran sa kalusugan, at maaari ring sapagkat ipinanganak sila nang ganito. Ikinakabit ito sa katawan ng tao upang matulungan silang makapamuhay at makagawa ng mga pangkaraniwang bagay-bagay at gawain. Tinatawag rin ito bilang mga prostesis o prostetiko. Dating yari lamang sila mula sa kahoy o metal, subalit mayroon na rin sa kasalukuyan ng mga gawa buhat sa mas magagaang na mga materyales.
Isa si Ambroise Paré, isang Pranses na maninistis o siruhano, sa mga lumikha ng sinaunang mga hindi tunay na mga sanga ng katawan. Kabilang sa maraming mga artipisyal na sangang inimbento niya ang isang barasong naititikom sa siko, at isang pekeng kamay na may napapagalaw na mga daliri.[1]