Ilog Elba
From Wikipedia, the free encyclopedia
Nakaturo ang "Elba" dito. Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Elba (paglilinaw).
Ang Ilog Elba ay isa sa mga pangunahing ilog ng Gitnang Europa. Nagsisimula ito sa Kabundukan ng mga Higante ng hilagang-kanlurang Republika Tseka bago ito dumadaloy sa malaking bahagi ng Bohemya, papunta sa Alemanya at nagtatapos sa Hilagang Dagat sa Cuxhaven, 110 km hilagang-kanluran ng Hamburgo. Ang buong haba nito ay 1,094 kilometro.[1]
Ang mga sangay-ilog nito ay ang mga ilog ng Moldava, Saale, Havel, Mulde, Elster Negro at Ohre/Eger.