Imperyong Seleucid
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imperyong Seleucid ( /sɪˈluːsɪd/; galing sa Griyego: Σελεύκεια, Seleύkeia) ay isang Griyego-Macedonianong Helenistikong estado na pinamunuan ng Dinastiyang Seleucid na itinatag ni Seleucus I Nicator kasunod ng paghahati ng imperyong nilikha ni Dakilang Alejandro pagkatapos ng kamatayan nito.[3][4][5][6] Natanggap ni Seleucus ang Babilonya at mula doon ay nagpalawig ng kanyang mga nasasakupan na nagsasama ng karamihan ng mga teritoryong silanganin ni Alejandro. Sa tugatog ng kapangyarihan nito, ito ay kinabibilangan ng sentral na Anatolia, Levant, Mesopotamia, Persia, Afghanistan, Turkmenistan, India at Pakistan.
Imperyong Seleucid Ἀρχή Σελεύκεια Arche Seleύkeia | |||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
312 BCE–63 BCE | |||||||||||||||||||
Kabisera | Seleucia (305–240 BC) Antioch (240–63 BC) | ||||||||||||||||||
Karaniwang wika | Greek Old Persian Aramaic[1] | ||||||||||||||||||
Relihiyon | Olympianism | ||||||||||||||||||
Pamahalaan | Monarckiya | ||||||||||||||||||
Basileus | |||||||||||||||||||
• 305–281 BCE | Seleucus I (first) | ||||||||||||||||||
• 65–63 BCE | Philip II (last) | ||||||||||||||||||
Panahon | Panahong Helenistiko | ||||||||||||||||||
• Mga Digmaan ng Diadochi | 312 BCE | ||||||||||||||||||
• Labanan ng Ipsus | 301 BCE | ||||||||||||||||||
• Digmaang Romano-Syrio | 192–188 BCE | ||||||||||||||||||
• Kasunduan Apamea | 188 BCEE | ||||||||||||||||||
• Paghihimagsik na Macabeo | 167–160 BCE | ||||||||||||||||||
• Annexed by Rome | 63 BCE | ||||||||||||||||||
Lawak | |||||||||||||||||||
301 BC[2] | 3,000,000 km2 (1,200,000 mi kuw) | ||||||||||||||||||
240 BCE[2] | 2,600,000 km2 (1,000,000 mi kuw) | ||||||||||||||||||
175 BCE[2] | 800,000 km2 (310,000 mi kuw) | ||||||||||||||||||
100 BCE [2] | 100,000 km2 (39,000 mi kuw) | ||||||||||||||||||
|
Kasaysayan ng Mas Dakilang Iran | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Hanggang sa paglitaw ng mga modernong estadong-bansa | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pre-moderno | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pre-Islamic
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Islamiko
|
Ang Imperyong Seleucid ay isang pangunahing sentro ng kulturang Helenistiko na nagpanatili ng kahigitan ng mga kustombre ng mga sinaunang Griyego kung saan ang mga elitistang pampolitika ay nanaig lalo na sa mga lugar na urbano.[6][7][8][9] Ang populasyong Griygo ng mga siyudad na bumuo ng mga nananaig na elitista ay napalakas ng emigrasyon mula sa Sinaunang Gresya.[6][7] Ang pagpapalawig na Seleucid tungo sa Anatolia at Gresya ay biglaang huminto pagkatapos ng mga pagkatalo nito sa mga hukbong Romano. Ang kanilang mga pagtatangka na talunin ang kanilang matandang kaaway na Ehiptong Ptolemaiko ay napigilan ng mga hinihingi ng mga Romano. Ang karamihan ng bahaging silangain ng imperyo ay nasako ng imperyong Parthian noong gitnang ika-2 siglo BCE sa ilalim ni Mithridates ng Parthia ngunit ang mga haring Seleucid ay patuloy na namuno sa isang estadong rump mula sa Syria hanggang sa pananakop ng haring Armeniano na si Dakilang Tigranes at kanilang huling pagpapatalsik sa kapangyarihan sa ilalim ng Romanong heneral na si Pompey.