Ang Io/ˈaɪ.oʊ/, o Jupiter I, ay ang pinakaloob at ikatlong pinakamalaki sa apat na buwang Galileo ng planetang Jupiter. Ito rin ang ikaapat na pinakamalaking buwan sa sistemang solar, na may densidad ng lahat ng mga ito, at may mababang dami ng tubig (sa pamamagitan ng atomikong rasyo) ng kahit anong kilalang bagay na pang-astronomiya sa Sistemang Solar. Natuklasan ito noong 1610 ni Galileo Galilei at pinangalan sa pang-mitolohiyang karakter na si Io, isang babaeng pari ni Hera na naging isa sa mga kalaguyo ni Zeus.
Agarang impormasyon Discovery, Katangian ng Pagorbit (Epoch J2000) ...
Io
Larawan ng Io na nakunan ng Galileo sa pamamagitan ng mga color-filter upang mabigyan ang larawan ng katumbas na pagkakakulay ayon sa mata ng isang tao.