Ipot
Solid o semisolid na labi ng hindi natutunaw na pagkain / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ipot o dumi (kilala din bilang tae, pupu, aa o takla) ay isang solido o medyo-solidong natirang pagkain na hindi natunaw sa maliit na bituka, at pinaghiwa-hiwalay ng bakterya sa malaking bituka.[1][2] Maaring naglalaman ang pupu ng mahalagang maliit na dami ng duming metabolikong produkto tulad ng bilirrubina na binago ng bakterya, at mga selulang epiteliyal mula sa poro ng bituka.[1] Nilalabas ang dumi sa tumbong o kloaka tuwing nagbabawas.
Maaring gamitin ang dumi bilang pataba o pangkondisyon ng lupa sa agrikultura. Maari din sunugin ang mga ito bilang panggatong o patuyuin at gamitin para sa konstuksyon.