Kalipato
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang isang kalipato o khilāfah (Arabe: خِلَافَة, bigkas sa Arabe: [xi'laːfah]) ay isang institusyon o tanggapang publiko na pinamamahalaanan ng isang teritoryo sa ilalim ng pamumunong Islamiko.[1] Tinatawag na kalipa ( /ˈkælɪf,_ˈkeɪʔ/; Arabe: خَلِيفَة bigkas sa Arabe: [xæ'liː'fæh], bigkas (tulong·impormasyon)) ang taong namumuno sa tanggapang ito at tinuturing politiko-relihiyosong humalili sa propetang Islamikong na si Muhammad at isang pinuno ng buong mundong Muslim (Ummah).[2] Sa kasaysayan, pampolitika ang mga kalipato na umunlad sa imperyong multi-etnikong trans-nasyunal.[3][4]