Lumang Lungsod
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lumang Lungsod (Hebreo: הָעִיר הָעַתִּיקָה, ha-ir ha-atiqah; Arabe: البلدة القديمة, al-Balda al-Qadimah) ay isang lugar na nakapader na may sukat na 0.9 kilometro kuwadrado (0.35 mi kuw)[2] na nasa loob ng makabagong lungsod ng Jerusalem.
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO | |
---|---|
Pamantayan | Pangkalinangan: ii, iii, vi |
Sanggunian | 148 |
Inscription | 1981 (ika-5 sesyon) |
Nanganganib | 1982–kasalukuyan |
Nadokumento ang kasaysayan ng Lumang Lungsod sa makabuluhang detalye, kapansin-pansin ang mga lumang mapa ng Jerusalem sa nakaraang 1,500 taon. Binubuo ang lugar na ito ng buong lungsod ng Jerusalem hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon; mga katabing nayon tulad ng Silwan, at ang mga bagong kapitbahayan tulad ng Mishkenot Sha'ananim, na naging bahagi sa kalaunan ng mga hangganan ng munisipyo.
Tahanan ang Lumang Lungsod sa ilang mga susing lugar na may relihiyosong kahalagahan: ang Bundok ng Templo at Kanlurang Pader para sa mga Hudyo, ang Simbahan ng Banal na Sepulcro para sa mga Kristiyano at ang Simboryo ng Bato at Moske ng Al-Aqsa para sa mga Muslim. Naidagdag ito sa tala ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1981.
Sa tradisyon, nahahati ang Lumang Lungsod sa apat na di-pantay na kuwadra, bagaman, naipakilala lamang ang kasalukuyang pagtatalaga noong ika-19 na dantaon.[3] Sa makabagong panahon, halos nahahati (paikot na pabalik na papunta mula sa hilagang-silangang sulok) ang Lumang Lungsod sa mga Kuwadrang Muslim, Kristiyano, Armenyo at Hudyo. Nitayo ang mahalagang mga pader na pandepensa at mga tarangkahan ng Lumang Lungsod noong 1535–1542 ng Otomanong sultan na si Suleiman ang Magnipiko.[4]