Maoismo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Maoismo, opisyal na tinatawag na Kaisipang Mao Zedong ng Partido Komunista ng Tsina, ay isang baryante ng Marxismo-Leninismo na binuo ni Mao Zedong binuo para sa pagsasakatuparan ng isang sosyalistang himagsikan sa agrikultural at pre-industriyal na lipunan ng Republika ng Tsina at sa kalaunan sa Republikang Bayan ng Tsina. Ang pilosopikal na pagkakaiba ng Maoismo at ang tradisyonal na Marxismo–Leninismo ay ang mga mambubukid ang mapanghimagsikang taliba sa mga lipunan bago ang industriyal kaysa sa proletaryado. Ang pagbabago at pag-aangkop na ito ng Marxismo–Leninismo sa mga kundisyong Tsino kung saan pangunahin ang rebolusyonaryong praktika at pangalawa ang ideolohikal na ortodokso ay kumakatawan sa Marxista–Leninistang lunsod na inangkop sa pre-industriyal na Tsina. Ang pag-aangkin na inangkop ni Mao Zedong ang Marxismo–Leninismo sa mga kundisyon ng Tsino ay umunlad sa ideya na binago niya ito sa isang pangunahing paraan na naaangkop sa mundo sa kabuuan.[1][2][3][4][5][6]