MediaWiki
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang MediaWiki ay isang software pang-wiki na may lisensyang free and open-source (malaya at bukas na pinagmulan). Ginawa ito ng Pundasyong Wikimedia at tumatakbo ito sa maraming mga websayt, kabilang ang Wikipedia, Wiktionary at Wikimedia Commons.[5] Nakasulat ito sa wikang pamprograma na PHP at gumagamit ng isang backend database.
Orihinal na may-akda | Magnus Manske, Lee Daniel Crocker |
---|---|
(Mga) Developer | Wikimedia Foundation |
Unang labas | 25 Enero 2002; 22 taon na'ng nakalipas (2002-01-25) |
Stable release | |
Repository | |
Sinulat sa | PHP[2] |
Operating system | Windows, macOS, Linux, FreeBSD, OpenBSD, Solaris |
Size | ~48 MB (compressed) |
Mayroon sa | 459[3] languages |
Tipo | Wiki software |
Lisensiya | GPLv2+[4] |
Website | mediawiki.org |
Inilabas ang unang bersyon ng software para matugunan ang pangangailangan ng ensiklopedyang Wikipedia noong 2002.[6] Patuloy naging malaki bahagi sa pagsulong at pagtatakda ng mga pangangailangan ng MediaWiki ang Wikipedia at ibang proyekto ng Wikimedia.[7] Pinagbuti ang software para episyenteng pamahalaanan ang mga malalaking proyekto, na maaring may laking terabyte ang nilalaman at daan-libong mga hit bawat segundo.[7][8] Dahil ang Wikipedia ay isa sa mga malalaking websayt sa mundo, ang pagtamo ng papalit-palit ng laki (scalability) sa pamamagitan ng napakaraming patong ng caching at database replication ay ang isa sa mga pangunahing alalahanin ng mga tagagawa (developers) ng MediaWiki.