Mekanismong Antikythera
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mekanismong Antikythera ( /ˌæntɪkɪˈθɪərə/ ANT-i-ki-THEER-ə o /ˌæntɪˈkɪθərə/ ANT-i-KITH-ə-rə) ay isang sinaunang analogong kompyuter[1][2] na dinisenyo upang kwentahin ang mga posisyong astronomikal. Ito ay nakuha noong 1900-1901 sa pagkabagbag ng barko sa Antikythera. [3] Ang kahalagahan at kompleksidad nito ay hindi naunawaan hanggang pagkatapos ng isang siglo. Ang pagkakalikha nito ay itinataya noong maagang unang siglo BCE. Ang mga artipaktong teknolohikal na malapit sa kompleksidad at paggawa nito ay hindi muling lumitaw hanggang sa ika-14 siglo CE nang ang mga orasang astronomikal na mekanikal ay sinimulang itayo sa Kanluraning Europa.[4]