Mendoza, Arhentina
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mendoza (local pagbigkas: [men'dosa]) ay ang kabisera ng lalawigan ng Mendoza sa Arhentina. Matatagpuan ito sa hilaga-gitnang bahagi ng lalawigan, sa rehiyon ng mga paanan at mataas na kapatagan, sa silangang gilid ng Andes. Ayon sa senso noong 2010, may kabuuang 115,041 katao ang lungsod at 1,055,679 katao ang kalakhang pook, kung kaya ang Malawakang Mendoza ay pang-apat na pinakamalaking kalakhang pook sa bansa batay sa populasyon.
Mendoza | ||
---|---|---|
Tanawin ng Mendoza noong Disyembre 2013. | ||
| ||
Lokasyon sa Arhentina | ||
Mga koordinado: 32°53′00″S 68°49′00″W | ||
Bansa | Argentina | |
Lalawigan | Mendoza | |
Departamento | Capital | |
Tinirhan | 1561; 463 taon ang nakalipas (1561) | |
Nagtatág | Pedro del Castillo | |
Pamahalaan | ||
• Punong lungsod | Rodolfo Suarez (UCR) | |
Lawak | ||
• Lungsod | 54 km2 (21 milya kuwadrado) | |
Taas | 746.5 m (2,449.1 tal) | |
Populasyon (2010)[1] | ||
• Lungsod | 115,041 | |
• Kapal | 2,055.4/km2 (5,323/milya kuwadrado) | |
• Urban | 1,055,679 | |
• Demonym | Mendoceneano (Mendocino/-a Spanish) | |
Sona ng oras | UTC-3 (ART) | |
CPA Base | M 5500 | |
Kodigo ng lugar | +54 261 | |
Klima | BWk | |
Websayt | www.ciudaddemendoza.gov.ar |
Ang Ruta Nacional 7, ang pangunahing daang dumadaan sa pagitan ng Buenos Aires at Santiago, ay dumadaan sa Mendoza. Isang madalas na stopover ang lungsod para sa mga mamumundok na papuntang Aconcagua (ang pinakamataas na bundok sa Timog Amerika) at para sa mga nakikipagsapalarang manlalakbay na interesado sa pamumundok, mahabaang paglalakad, pagsakay sa kabayo, rafting at iba pang mga palakasan. Sa tag-lamig, dumadagsa ang mga nag-iiski sa lungsod dahil sa madaliang pagpasok sa Andes.
Dalawa sa mga pangunahing industriya sa lugar ng Mendoza ay ang paggawa ng langis ng oliba at Arhentinong alak. Ang rehiyon sa paligid ng Malawakang Mendoza ay ang pinakamalaking lugar ng paggawa ng alak sa Latinong Amerika. Dahil diyan, isa ang Mendoza sa siyam na Mga Dakilang Kabisera ng Alak (Great Wine Capitals),[2] at umuusbong ang lungsod bilang isang destinasyong enoturismo at panimula para sa paglalakbay ng mga daan-daang paggawaan ng mga alak sa rehiyon na matatagpuan sa kahabaan ng Argentina Wine Route.