Miss World
From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Miss World (paglilinaw).
Ang Miss World (Ingles, lit. "Binibining Mundo") ang pinakamatandang pangunahing pandaigdigang patimpalak pangkagandahan. Itinatag ito sa United Kingdom ni Eric Morley noong 1951. Simula nang siya'y mamatay noong 2000, ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Julia Morley, ang patimpalak.[1].
Agarang impormasyon Motto, Pagkakabuo ...
Motto | Beauty with a Purpose |
---|---|
Pagkakabuo | 29 Hulyo 1951; 72 taon na'ng nakalipas (1951-07-29) |
Uri | Beauty pageant |
Punong tanggapan | London |
Kinaroroonan | |
Wikang opisyal | English |
President | Julia Morley |
Mahahalagang tao | Eric Morley |
Website | missworld.com |
Isara
Sa kabila ng mga katunggali nitong mga patimpalak ng Miss Universe at Miss Earth, ang patimpalak na ito ang isa sa mga pinakasikat na patimpalak sa buong mundo.[2][3]
Ginugugol ng nagwawagi ang isang taon sa paglalakbay upang maging kinatawan ng Organisasyong Miss World at ang iba pa nitong mga layunin.[4] Nakagawian na ang mananalong Miss World ay maninirahan sa London sa panahon ng kanyang pagkakahirang.