From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa kalendaryo ng Kanluraning Kristiyano, ang Miyerkules ng Abo[1] ay ang unang araw ng Kuwaresma at pumapatak apatnapu't-anim na araw (apatnapu kapag hindi binibilang ang mga Linggo) bago ang Pasko ng Pagkabuhay. Nagaganap ito sa iba't ibang araw bawat taon, dahil nakabatay ito sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; maaaring pumatak ito ng pinakamaaga sa Pebrero 4 o pinakahuli sa Marso 10.
Miyerkules ng Abo | |
---|---|
Ipinagdiriwang ng | Kanluraning Kristiyano |
Uri | Kristiyano |
Mga pamimitagan | Serbisyon ng pagsamba o Misa Paglalagay ng abong krus sa noo |
Petsa | Pinakamaaga sa Pebrero 4 hanggang pinakahuli sa Marso 10 |
Kaugnay sa | Martes de Carnaval/Mardi Gras Mahal na Araw Pasko ng Pagkabuhay |
Nakuha ng Miyerkules ng Abo ang pangalan nito sa paglalagay ng abo sa noo ng namamalampalataya bilang tanda ng pagsisisi. Kinukuha ang mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas upang sunugin at gawing abo para sa pistang ito. Sa ibang kasanayang pang-liturhiya ng ibang mga simbahan, hinahalo ang abo sa Langis ng mga Katehumen[2] (isa sa mga banal na langis na ginagamit sa pagpahid sa mga bibinyagan), bagaman ginagamit ng ibang simbahan ang pangkaraniwang langis. Ginagamit ang abo at langis ng paring mangunguna sa misa o serbisyo upang makagawa ng antanda ng krus, una sa kanyang sariling noo at sa bawat taong luluhod sa kanya sa baranda ng altar. Pagkatapos sasabihin ng pari ang mga salitang: "Tandaan mo na nagmula ka sa alikabok, at sa alikabok ka rin babalik."
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.