Nanticoke, Pennsylvania
Siyudad sa Pennsylvania, Estados Unidos / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Nanticoke ay isang lungsod sa Kondado ng Luzerne, Pennsylvania, Estados Unidos. Magmula noong senso 2010, ang populasyon ay 10,465 katao, kung kaya ito ang pangatlong pinakamataong lungsod sa Kondado ng Luzerne. Sinasakop nito ang 3.5 milyang kuwadrado ng lupain. Maaaring ihati ang lungsod sa ilang mga bahagi: Honey Pot (hilaga-kanlurang Nanticoke), Downtown (hilaga at gitnang Nanticoke), at Hanover Section (timog-silangang Nanticoke).[3] Noon, isa itong masigasig na pamayanang nagmimina ng batong uling. Sa kasalukuyan, matatagpuan sa lungsod ang 167-akre na pangunahing kampus ng Pampamayanang Kolehiyo ng Kondado ng Luzerne.
Agarang impormasyon Bansa, Estado ...
Nanticoke, Pennsylvania | |
---|---|
Tanawing panghimpapawid ng Nanticoke. | |
Kinaroroonan ng Nanticoke sa Kondado ng Luzerne, Pennsylvania. | |
Mga koordinado: 41°11′58″N 75°59′57″W | |
Bansa | Estados Unidos |
Estado | Pennsylvania |
Kondado | Luzerne |
Itinatag | 1800 |
Nasapi (bayan) | 1874 |
Nasapi (lungsod) | 1926 |
Pamahalaan | |
• Uri | Sangguniang Panlungsod |
• Alkalde | Rich Wiaterowski |
Lawak | |
• Kabuuan | 9.18 km2 (3.54 milya kuwadrado) |
• Lupa | 8.95 km2 (3.46 milya kuwadrado) |
• Tubig | 0.23 km2 (0.09 milya kuwadrado) |
Taas | 212 m (696 tal) |
Populasyon (2010) | |
• Kabuuan | 10,465 |
• Taya (2016)[2] | 10,189 |
• Kapal | 1,138.29/km2 (2,948.21/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC-5 (Eastern (EST)) |
• Tag-init (DST) | UTC-4 (EDT) |
Kodigong postal | 18634 |
Kodigo ng lugar | 570 Exchanges: 735,740 |
Kodigong FIPS | 42-52584 |
Isara