National and Kapodistrian University of Athens
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang National and Kapodistrian University of Athens (Griyego:Εθνικόν και Καποδιστριακόν Πανεπιστήμιον Αθηνών, Ethnikón kai Kapodistriakón Panepistímion Athinón; Ingles: National and Kapodistrian University of Athens)[lower-alpha 1], karaniwang tinutukoy bilang lamang ang Unibersidad ng Atenas (UoA), ay isang pampublikong unibersidad sa Atenas, Gresya. Ito tuloy-tuloy na nag-opereyt simula nang itatag ito noong 1837 at sa kasalukuyan ay tinuturing bilang ang pinakamatandang institusyon para sa mas mataas na edukasyon sa modernong estadong Griyego. Ngayon ito ang pangalawang pinakamalaking unibersidad ng Gresya ayon sa bilang ng mga mag-aaral (kasunod ng Unibersidad ng Thessaloniki Aristoteles), at may higit sa 50,000 undergraduate na mag-aaral. Noong 2012 ito ay may ranggong 501-550 sa mga pinakamahusay na mga unibersidad sa mundo, ayon sa mga index ng QS World University Rankings, pati na rin sa pagsusuri ng Academic Ranking of World Universities (ARWU).