Nicomedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Nicomedia ( /ˌnɪkəˈmiːdiə/;[1] Griyego: Νικομήδεια, Nikomedeia; modernong İzmit) ay isang sinaunang Griyegong lungsod na matatagpuan sa kasalukuyang Turkey. Noong 287, ito ang naging silangan at nangungunang kabeserang lungsod ng Imperyong Romano (pinili ni Diocleciano na inangkin ang titulong Augusto ng Silangan), isang kalagayang pinanatili ng lungsod sa ilalim ng sistemang Tetrarkiya (293–324).
Kinaroroonan | Turkey |
---|---|
Rehiyon | Lalawigan ng Kocaeli |
Mga koordinado | 40°45′45″N 29°55′03″E |
Natapos ang Tetrarkiya sa Labanan ng Crisopolis (Üsküdar) noong 324, nang tinalo ni Constantino si Licinius at naging nag-iisang emperador. Noong 330, pinili ni Constantino para sa kaniyang sarili ang kalapit na Byzantium (sa paglaon ay pinangalanang Constantinopla, modernong Istanbul) bilang ang bagong kabesera ng Imperyong Romano.
Ang lungsod ay napabilang sa Imperyong Otomano sa pagkapanalo ni Sultan Orhan Gazi laban sa Silangang Imperyong Romano.