Nimbus Mono L
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Nimbus Mono ay isang naka-monospace na pamilya ng tipo ng titik na nilikha ng URW Studio noong 1984,[1] at sa kalaunan, nilabas sa ilalim ng GPL at AFPL (bilang tipo ng titik na Type 1 para sa Ghostscript) noong 1996[2][3][4][5] at LPPL noong 2009.[6][7][8] Tinatatanghal nito ang mga bigat na Karaniwan, Makapal, Nakalihis, at Makapal na Nakalihis, at ito ay isa sa ilang malayang nakalisensyang mga tipo ng titik na inaalok ng URW++. Bagaman, ang mga karakter ay hindi tumpak na pareho, mayroong metriko ang Nimbus Mono na labis na pareho sa Courier at Courier New.
Kategorya | Monospace |
---|---|
Mga nagdisenyo | URW Studio (Adobe Studio); nilathala din ang bersyon GPL ni Valek Fillipov |
Foundry | URW++ |
Petsa ng pagkalabas | 1984[1] |
Isa ito sa mga tipo ng titik na Ghostscript na malayang alternatibo sa 35 pangunahing tipo ng titik na PostScript (na kabilang ang Courier). Ito ang pamantayang pamilya ng tipo ng titik sa maraming distribusyon ng Linux.[9][10]