Paaralang Napolitano
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa kasaysayan ng musika, ang Paaralang Napolitano ay isang pangkat, na nauugnay sa opera, ng mga kompositor mula ika-17 at ika-18 siglo na nag-aral o nagtrabaho sa Napoles, Italya,[1] ang pinakakilala sa mga ito ay si Alessandro Scarlatti, kung kanino nagsisimula ang "modernong opera".[2] Si Francesco Provenzale ay karaniwang itinuturing na tagapagtatag ng paaralan.[3]