Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010
Ika-21 edisyon ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, na ginanap sa Vancouver, Kanada / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010, opisyal na kinikilalang Ika-XXI Palaro ng Olimpikong Taglamig o ang Ika-21 Olimpikong Taglamig, ay gaganapin mula Pebrero 12 hanggang Pebrero 28, 2010 sa Vancouver, Britanikong Kolumbya, Canada na may ibang mga kaganapan sa Whistler, Britanikong Kolumbya. Kapwa Palarong Olimpiko at Paralimpiko ay isinasaayos ng Lupon sa Pagsasaayos ng Vancouver (VANOC).
Palaro ng XXI Olimpiyada | |
Punong-abala | Vancouver, Canada |
---|---|
Salawikain | With glowing hearts (Pranses: Des plus brillants exploits) |
Estadistika | |
Bansa | 82 |
Atleta | 2,566 (1044 women, 1522 men) |
Paligsahan | 86 in 7 sports (15 disciplines) |
Seremonya | |
Binuksan | February 12 |
Sinara | February 28 |
Binuksan ni | Governor General Michaëlle Jean |
Nagsindi | Catriona Le May Doan Nancy Greene Wayne Gretzky Steve Nash |
Estadyo | BC Place |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan 2008 Beijing Susunod 2012 London |
Taglamig | Nakaraan 2006 Torino Susunod 2014 Sochi |
Ang Olimpikong Taglamig 2010 ay magiging pangatlong Olimpiko na panumunuang-abala ng Canada, at ang una ng lalawigan ng Britanikong Kolumbya. Dati-rati, ang Canada ay tahanan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1976 sa Montreal at Palarong Olimpiko sa Taglamig 1988 sa Calgary. Ito rin ang magiging unang palaro na gaganapin sa pamilihang NHL mula pinayagan ang mga manlalarong ito na lumahok simula noong 1998.
Kasunod ang nakaugaliang Olimpiko, ang kasalukuyang punung-lungsod ng Vancouver na si Sam Sullivan ay nakatanggap ng Olimpikong watawat sa seremonya ng pagtatapos ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006 sa Turino, Italya, kung saan dinaluhan din ng Gobernador-Heneral Michaëlle Jean at Pangunahing Pinuno ng Britanikong Kolumbya, ang punong-abalang lalawigan, Gordon Campbell, mismong tubong Vancouver. Itinaas ang watawat noong Pebrero 28, 2006, sa tanging seremonya ng pagtataas ng watawat, at ihahantad sa bahay-pamahalaan ng Lungsod ng Vancouver hanggang sa seremonya ng pagbubukas ng Olimpiko. Sa panahon ding iyon, si Punong Ministrong Stephen Harper ay nagsabi sa salaysay na ang Olimpikong apoy ay nagsimula ang paglalakbay patungong Vancouver.[1]