Pamantasang Pambansa ng Moscow
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pamantasang Pambansa ng Moscow Lomonosov (Ruso: Московский государственный университет имени М. В. Ломоносова, madalas dinaglat na МГУ; Ingles: Lomonosov Moscow State University) ay isang koedukasyonal at pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Moscow, Rusya. Ito ay itinatag noong Enero 25, 1755 sa pamamagitan ni Mikhail Lomonosov. Ipinangalan ang MSU kay Lomonosov noong 1940 at pagkatapos ay nakilala bilang Lomonosov University. Ito rin ang sinasabing nagtataglay ng pinakamataas na mga gusaling pang-edukasyon sa mundo.[2] Ito rin ay kabilang sa mga unibersidad na may ang pinakamahusay na reputasyon sa mundo.
Lomonosov Moscow State University | |
---|---|
Московский государственный университет имени М. В. Ломоносова | |
Sawikain | Наука есть ясное познание истины, просвещение разума |
Sawikain sa Ingles | Science is clear learning of truth and enlightenment of mind |
Itinatag noong | 1755 (1755) |
Uri | Public |
Rektor | Viktor Sadovnichiy |
Academikong kawani | 5,000 |
Mag-aaral | 47,000 |
Mga undergradweyt | 40,000 |
Posgradwayt | 7,000 (estimate) |
Lokasyon | , |
Kampus | |
Apilasyon | Association of Professional Schools of International Affairs Institutional Network of the Universities from the Capitals of Europe International Forum of Public Universities |
Websayt | msu.ru |
Mga detalye ng gusali | |
Главное здание МГУ (ГЗ МГУ) | |
Pangkalahatang impormasyon | |
Kinaroroonan | Moscow, Russia |
Mga koordinado | 55.703935°N 37.52867°E / 55.703935; 37.52867 |
Natapos | 1953 |
Taas | |
Arkitektural | 240 m (787 tal) |
Pinakaitaas na palapag | 214 m (702 tal)[1] |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | 42 |
Lawak ng palapad | 1,000,000 m2 (10,763,910.417 pi kuw) |
Noong Maso 19, 2008, nailunsad sa unibersidad ang pinakamakapangyarihang supercomputer sa Rusya, ang SKIF MSU (Ruso: СКИФ МГУ; ang skif nangangahulugang "mga Eskito" sa Ruso). Ang peak performance nito ay 60 TFLOPS (Linpack - 47.170 TFLOPS) na siyang pinakamabilis na supercomputer sa buong Commonwealth ng Independent States (CIS). [3][4][5]