Ang pananakop ng mga British sa lungsod ng Pilipinas sa pagitan ng 1762 at 1764 From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang kabisera ng kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan sa Kabite.
British East India Company Mga Pulo ng Pilipinas
| |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1762–1764 | |||||||||
Katayuan | Kolonyang Dulot ng Digmaan na Napabilang sa Nagkakaisang Kaharian | ||||||||
Kabisera | Maynila | ||||||||
Karaniwang wika | Ingles, Kastila, Tagalog, at iba pang katutubong wika. | ||||||||
Relihiyon | Romano Katolisismo | ||||||||
Monarkiya | |||||||||
• 1762-1764 | George III | ||||||||
Gobernador ng Pilipinas | |||||||||
• 1762-1763 | Almirante Samuel Cornish | ||||||||
• 1763 | Sir Francis Drake | ||||||||
Panahon | Pananakop ng Ingles | ||||||||
• Pitong Taong Digmaan | 1762 | ||||||||
• Kapayapaan sa Paris | 1764 | ||||||||
Salapi | Peso fuerte | ||||||||
|
Ang paglaban mula sa pansamantalang pamahalaang kolonyal na Kastila na itinatag ng mga kasapi ng Real Audiencia ng Maynila at nang mga kakamping Pilipino nito ang nakapigil sa puwersang Ingles upang mapasailalim ang iba pang mga teritoryo sa mga kalapit na bayan ng Maynila at Kabite. Ang pananakop ng mga Ingles ay nagwakas sa isang kasunduang pangkapayapaan ng Pitong Taong Digmaan.
Noong panahong iyon, mayroon nang digmaan ang Britanya at Pransiya na tinatawag ngayong Pitong Taon Digmaan. Habang tumatagal ang digmaan, ang walang pinapanigang pamahalaan ng mga Kastila ay nag-aalala na ang mga pagkatalo ng mga Pranses sa mga Ingles ay magiging isang malaking banta sa interes ng Espanya. Unang naghayag ng digmaan ang Britanya laban sa Espanya noong 4 Enero 1762, at noong 18 Enero 1762 ay naglabas din ang Espanya ng kanilang sariling pagpapahayag ng digmaan laban sa Britanya.[1] Matagumpay na nakagawa ng kasunduan ang Pransiya at Espanya na kinilala bilang Pacte de Famille na nilagdaan noong 15 Agosto 1761. Sa isang lihim na pagpupulong, madaling nakapaghanda ang Espanya upang makipagdigma sa Britanya.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.