Pandemya ng COVID-19 sa Italya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pandemya ng COVID-19 sa Italya ay parte ng Pandemya ng COVID-19 na sanhi ng strain SARS-CoV-2 ay kinumpirma sa Italya noong 31 Enero 2020, Ang bansa ay ang kauna-unahang tinamaan ng birus sa loob ng Europa, mayroong 2 Intsik na turista mula Roma ang nag-positibo na isang mala pulmunya at kasamang trankaso, Coronabirus disease 2019 (COVID-19) ang sumailalim sa testing, Makalipas ang isang linggo ang isang lalaking Italyano, pabalik sa Italya na galing sa lungsod ng Wuhan, Hubei ang nag positibo at ikinuwarantina at dinala sa ospital na, nag sanhi pa ng ikatlong alon ng COVID-19, Ang mga kaso kalaunan ay nakita sa Lombardia at Veneto noong Pebrero 21, 2020, Marso 2020 ng kumalat ang birus sa buong Italya na nag imposed ng Lockdown.[2][3]
Sakit | COVID-19 |
---|---|
Uri ng birus | SARS-CoV-2 |
Lokasyon | Codogno, Lodi |
Unang kaso | Roma, Italya |
Petsa ng pagdating | 31 Enero 2020 (2 taon, 7 buwan at 6 araw) |
Pinagmulan | Wuhan, Hubei, Tsina |
Kumpirmadong kaso | 4,719,493[1] (total) |
Gumaling | 4,469,937[1] (total, incl. discharged) |
Patay | 131,585[1] (total) |
Opisyal na websayt | |
salute.gov.it/nuovocoronavirus |
Noong Enero 31, 2020 ang gobyerno ng Italya na kung saan lumaganap ang COVID-19 sa Roma, ay nag suspinde sa mga paliparan mula at galing sa Tsina at nag deklara na ng "state of emergency", noong Pebrero ay 11 na munisipalidad sa hilagang Italya ay nakitaan ng 2 pinagmulan ng "Italian clusters" at isinailalim sa under quarantine, Pebrero 11 ng ideklara ng World Health Organization (WHO) na ang (2019-nCoV) ay opisyal ng tinawag na (COVID-19).[4][5]
Ang Italya ay nakapagtala noong Hunyo 2020 na mga patay na aabot sa 35,000+ at pinakamaraming infected sa Europa sumunod ang Espanya, mahigit 60 milyon katao ang apektado ng Lockdown.[6]
Ang rehiyon ng Lombardia sa hilagang Italya ay ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 kabilang ang mga lungsod ng Milan at Turin kasama ang bayan ng Codogno, sumunod ang Roma, Florence, Venice at rehiyon ng Veneto.
Sa kasalukuyan ika 10 ang bansang Italya sa Pandemya ng COVID-19 ayon sa bansa at teritoryo na mga kumpirmadong kaso at 127,778 na mga nasawi.