Puella Magi Madoka Magica
Anime noong 2011 at prangkisa ng midya / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Puella Magi Madoka Magica (魔法少女まどか★マギカ, Mahō Shōjo Madoka Magika, Magical Girl Madoka Magica), karaniwang pinapaikli bilang "Madoka Magica", ay isang Hapones na seryeng pantelebisyon na anime na ipinalabas ng Shaft at Aniplex. Ginabayan ang serye ni Akiyuki Shinbo, disenyong pangtauhan ni Ume Aoki kasama si Takahiro Kishida na ginawa ang adapsiyong disenyong pangtauhan at isinulat ni Gen Urobuchi. Ginawa naman ni Yuki Kajiura ang anta para sa seryeng anime.[2] Tungkol ang seryes sa buhay at karanasan ng isang grupo ng mga magagandang babaeng tinedyer na Haponesang estudyante sa middle-school na naging mga mahikerang babae o magical girl at sinusubaybayan ng palabas ang kanilang laban sa mga wirdong kalaban na tinatawag na mga "mangkukulam" o witch sa loob ng istorya.
Puella Magi Madoka Magica | |
魔法少女まどか☆マギカ Mahō Shōjo Madoka Magika | |
---|---|
Dyanra | Magical girl, Madilim na pantasya, Horor |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Akiyuki Shinbo |
Prodyuser | Atsuhiro Iwakami |
Sumulat | Gen Urobuchi |
Musika | Yuki Kajiura |
Estudyo | Shaft |
Inere sa | MBS |
Takbo | 7 Enero 2011 – 21 Abril 2011 |
Bilang | 12 (Talaan ng episode) |
Listahan ng mga Manga | |
| |
Nobela | |
Sumulat | Hajime Ninomae |
Gumuhit | Yūpon |
Naglathala | Nitroplus Books |
Inilathala noong | 14 Agosto 2011 |
Laro | |
Puella Magi Madoka Magica Portable | |
Tagapamanihala | Banpresto |
Tagalathala | Namco Bandai Games, Nitroplus |
Genre | Adventure game, RPG |
Platform | PlayStation Portable |
Inilabas noong | 15 Marso 2012 |
Laro | |
Puella Magi Madoka Magica: The Battle Pentagram | |
Tagapamanihala | Artdink |
Tagalathala | Namco Bandai Games |
Genre | Action game |
Platform | PlayStation Vita |
Inilabas noong | 19 Disyembre 2013 |
Pelikulang anime | |
Beginnings | |
Direktor | Akiyuki Shinbo Yukihiro Miyamoto |
Prodyuser | Atsuhiro Iwakami |
Sumulat | Gen Urobuchi |
Musika | Yuki Kajiura |
Estudyo | Shaft |
May lisensiya | NA Aniplex of America Manga Entertainment |
Inilabas noong | 6 Oktubre 2012 |
Haba | 130 minuto |
Pelikulang anime | |
Eternal | |
Direktor | Akiyuki Shinbo Yukihiro Miyamoto |
Prodyuser | Atsuhiro Iwakami |
Sumulat | Gen Urobuchi |
Musika | Yuki Kajiura |
Estudyo | Shaft |
May lisensiya | NA Aniplex of America Manga Entertainment |
Inilabas noong | 13 Oktubre 2012 |
Haba | 110 minuto |
Pelikulang anime | |
Rebellion | |
Direktor | Akiyuki Shinbo Yukihiro Miyamoto |
Prodyuser | Atsuhiro Iwakami |
Sumulat | Gen Urobuchi |
Musika | Yuki Kajiura |
Estudyo | Shaft |
May lisensiya | NA Aniplex of America Manga Entertainment |
Inilabas noong | 26 Oktubre 2013 |
Haba | 116 minuto[1] |
Iba pa | |
| |
Portada ng Anime at Manga |
Unang inanunsiyo ang serye sa pangkalakalan (commercial) na haligi[kailangang linawin] sa tuwing seryeng anime na Togainu no Chi.[3] Ang unang mga episodyo ng seryes ay ipinalabas sa Japan sa istasyong TBS at MBS noong Enero hanggang Marso 2011, at ang huling dalawang episodyo ay ipinalabas lamang sa Abril 2011 dahil nakansela ito ng tsunami at lindol sa Japan noong 2011. Isang manga na base sa seryes at iba pang mga kasamang karagdagang manga ay inilathala ng Houbunsha at ginawa sa North America sa ilalim ng lisensiya ng Yen Press. Gumawa rin ang Nitroplus ng isang nobela noong Agosto 2011, at isang magasing nagngangalang Manga Time Kirara Magica ay inilunsad ng Houbunsha noong Hunyo 2012. Isang laro naman ang ginawa para sa PlayStation Portable sa Marso 2012 at isa naman para sa PlayStation Vita sa Disyembre 2013. Meron ding ginawang tatlong pelikula, recap lang ang unang dalawa at ito ay ipinalabas noong Oktubre 2012, pero ang ikatlong pelikula ay may bagong istorya noong 26 Oktubre 2013, at may trailer na nagawa tungkol sa gagawing ika-apat na pelikula na ipinakita noong Disyembre 2015. Isang laro sa selpon, Magia Record ang ginawa noong Agosto 2017 at may bagong anime na mapapalabas sa 2019.
Maraming mga kritiko ang nagandahan sa Puella Magi Madoka Magica, nagandahan sila sa istorya, animasyon at sa musika at sa bagong interpretasyon ng genreng magical girl. Kumita ang Madoka Magica, nakabenta ng 50,000+ ang mga Blu-ray disc nito. Nagbunyi din ng maraming gantimpala ang Madoka Magica tulad ng Television Award sa ika-labinganim na Animation Kobe Awards, labindalawang Newtype Anime Awards at isang Grand Prize for Animation sa 2011 Japan Media Arts Awards.