Rayuma
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang reuma,[1] rayuma[1][2] o artritis[1] (Kastila: Artritis, Ingles: rheumatism) ay isang uri ng karamdaman. Katangian ng sakit na ito ang pagkakaroon ng mga pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito ng katawan ng tao. Bagama't maraming uri ng artritis, karaniwang tinatawag lamang ng mga matatanda ang anumang pamamagang ganito bilang rayuma. Kabilang sa mga klase ng artritis ang mga sumusunod: septikong artritis (septic arthritis), rayumatoid artritis (reyumatoid artritis o reumatoid artritis, rheumatoid arthritis), tuberkulosong artritis (tuberculous arthritis) at hipertropikong artritis (o haypertropikong artritis, hypertrophic arthritis).[2] Tinatawag na rayumatiko o reumatiko ang isang lalaking may-rayuma; samantalang rayumatika o reumatika naman ang babaeng may-artritis o may-reuma.[1] Rayumatolohiya o reumatolohiya ang tawag sa larangang nagsasagawa ng pag-aaral at panggagamot ng mga rayuma. Rayumatologo o rayumatolohista ang taguri sa mga duktor na tumitingin at gumagamot ng mga taong may rayuma. Lalala
Iminumungkahi na ang artikulo ay hatiin sa mga artikulo na pinamagatang Rheumatismat Arthritis, na matutunghayan sa pahina ng paglilinaw. (Pag-usapan) |