Rentang ekonomiko
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa ekonomikang neoklasiko, ang rentang ekonomiko ay kahit anumang bayad (sa konteksto ng isang transaksyong pampamilihan) sa isang may-ari ng isang dahilan ng produksyon sa ibabaw ng gastos na kinailangan upang idala ang sanhi na iyon sa produksyon.[1] Sa ekonomikang klasiko, ang rentang ekonomiko ay kahit anumang bayad na ginawa (kabilang ang halagang ibinilang) o pakinabang na natanggap para sa mga di-nagawang pinasok tulad ng lokasyon (lupa) o para sa mga pagmamay-ari na nabuo sa pamamagitan ng paglikha ng mga pribilehiyo sa ibabaw ng likas na mga pagkakataon (halimbawa, mga patente). Sa ekonomiyang moral ng ekonomikang neoklasiko, kabilang sa rentang ekonomiko ang kita na nakuha sa pamamagitan ng paggawa o mga benepisyaryo ng estado ng ibang "nilikha" (pinapalagay na likas ang pamilihan, at hindi nagmumula sa pamamagitan ng estado at panlipunang lumilikha) na eksklusibidad, tulad ng mga samahang paggawa at korupsyong di-opsiyal.