Robert Boyle
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Robert Boyle (25 Enero 1627 ā 31 Disyembre 1691) ay isang pilosopong makakalikasan noong ika-17 daantaon. Isa rin siyang kimiko, pisiko, at imbentor. Ipinanganak sa Lismore, County Waterford, Irlanda, nakikilala rin siya dahil sa kaniyang mga sulatin na pangteolohiya.
Bagaman ang kaniyang pananaliksik ay malinaw na mayroong mga pinag-ugatan mula sa tradisyon pang-alkimiya, malawak na itinuturing si Boyle sa kasalukuyan bilang ang unang modernong kimiko, kung kaya't isa siya sa mga tagapagtatag ng modernong kimika, at isa mga tagapagsimula ng modernong eksperimental ng metodong siyentipiko. Higit na nakikilala siya dahil sa batas ni Boyle,[1] na naglalarawan sa ugnayang katumbas na pabaligtad na nasa pagitan ng presyong ganap (absolute pressure) at bolyum ng isang gas, kapag ang temperatura ay pinananatili sa loob ng isang sistemang nakasara.[2][3] Kabilang sa mga nagawa niya ang The Sceptical Chymist na tinatanaw bilang isang aklat na "panulukang bato" (sa diwa ng pagiging isang "haligi" o "sandigan") ng larangan ng kimika.