From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang santong patron ay isang santo na sa Katolisismo, Anglikanismo, o Silangang Ortodokso, ay itinuturing na makalangit na tagapagtaguyod ng isang bansa, lugar, gawain, aktibidad, klase, angkan, pamilya, o tao.[1][2]
Ang mga santo ay madalas na itinuturing na patron ng mga lugar kung saan sila ipinanganak o naging aktibo. Gayunpaman, may mga kaso sa Medyebal na Europa kung saan ang isang lungsod na sumikat at nakuha para sa katedral nito ang labi o ilang relikya ng isang sikat na santo na nanirahan at inilibing sa ibang lugar, kung kaya't ginawang santong patron ng lungsod – ang gayong kaugaliang ay nagkaloob ng prestihiyo sa mga ganoong lungsod. Sa Amerikang Latino at Pilipinas, madalas na iniaatas ng mga Español at Portuges manggagalugad ang isang santo sa isang lugar kung kaninong kapistahan tumapat ang araw na kung kailan nila unang napuntahan ang pook, na ang santong iyon ay natural na nagiging patron ng lugar.[kailangan ng sanggunian]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.