Silang ng Salang
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Salang Pass (Persa: كتل سالنگ Kotal-e Salang) (el. 3878 m.) ay isang pangunahing silang na nagdudugtong sa hilagang Aganistan at Lalawigan ng Kabul, at umaabot pa sa timog Apganistan at Pakistan.[1] Nasa silangan lamang ito ng Silang ng Kushan at parehong importante noong unang panahon dahil parehong direktang nagdudugsong sa rehiyon ng Kabul sa hilagang Apganistan o Tokharistan. Malapit rito ang pinagmulan ng Ilog Salang at dumadaloy patimog.
Elebasyon | 3878 m. or 12,723 ft. |
---|---|
Location | |
Lokasyon | Afghanistan |
Bulubundukin | Hindu Kush |
Mga koordinado | 35°18′13″N 69°3′15″E |
Dinaraanan ng silang ang Hindu Kush subalit sa ngayon ay maaari nang lampasan gamit ang Lagusang Salang, na itinayo ng Unyong Sobyet noong 1964, na bumabaybay sa ilalim nito sa taas na 3,400 metro. Pinagdudugsong nito ang Charikar at Kabul sa Mazari Sharif at Termez. Bago magawa ang mga daan at lagusan, ang pangunahing daanan sa pagitan ng Kabul at hilagang Apganistan ay ang Silang ng Shibar, mas mahabang daanan kung saan aabutin ka ng tatlong araw.[1]
NOong 3 Nobyembre 1982, sa kasagsagan ng pananakop ng Unyong Sobye sa Apganistan, nagkaroon ng malaking sunog sa lagusan na noo'y puno ng mga komboy ng sundalo ng Sobyet. Marami ngunit hindi matukoy ang bilang ng mga hukbo ng Sobyet ang namatay sa Sunog sa lagusan ng Salang.