Sima Qian
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Sima Qian (ca. 145-86 BC) ay isang pinunong-opisyal (prefect) ng mga Dakilang Eskriba o mga Dakilang Manunulat (太史令) ng Dinastiyang Han. Itinuturing siyang ama ng historyograpiyang Tsino dahil sa kaniyang pinupuring aklat, ang Mga Tala ng Dakilang Historyador (史記). Isa itong pangkalahatang tanaw sa kasaysayan ng Tsina na sumasaklaw sa mahigit na dalawang libong taon mula sa Dilaw na Emperador hanggang kay Emperador Han Wudi (漢武帝). Ang madalubhasa niyang gawang ito ang naglatag ng pundasyon para sa mga sumunod pang historyograpiyang Tsino.
- Isa itong pangalang Tsino; ang apelyido ay Sima (司馬).
Karagdagang impormasyon Mga pangalan ni ...
Mga pangalan ni Sima Qian | ||
---|---|---|
Apelyido at pangalan | Palayaw | |
Nakaugalian | 司馬遷 | 子長 |
Pinadali | 司马迁 | 子长 |
Pinyin | Sīmǎ Qiān | Zǐcháng |
Wade-Giles | Ssŭma Ch'ien | Tzu-ch'ang |
Isara