From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Song Joong-ki (Koreano: 송중기; ipinanganak Setyembre 19, 1985) ay isang artista mula sa Timog Korea. Naging tanyag siya nang lumabas siya sa makasaysayang drama na Sungkyunkwan Scandal (2010) at sa variety show na Running Man bilang isa sa mga orihinal na kasapi noong umere ito noong 2010. Bumida din siya sa mga pelikula kabilang ang A Werewolf Boy (2012).
Song Joong-ki | |
---|---|
Kapanganakan | |
Edukasyon | Pamantasan ng Sungkyunkwan – Pamamahala ng negosyo |
Trabaho | Aktor |
Aktibong taon | 2008–kasalukuyan |
Ahente | Blossom Entertainment |
Asawa | Song Hye-kyo (k. 2017–19)
Katy Louise Saunders (k. 2023) |
Anak | 1 |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 송중기 |
Hanja | 宋仲基 |
Binagong Romanisasyon | Song Jung-gi |
McCune–Reischauer | Song Chung-gi |
Pirma | |
Pagkatapos makumpleto ang kanyang mandatoryong serbisyo sa militar, bumida si Song sa Koreanovelang Descendants of the Sun (2016) na naging tanyag sa Asya at nagdulot sa kanya na maging isang bituing hallyu. Napunta siya sa ikapitong puwesto sa tala ng Forbes na Korea Power Celebrity noong 2013,[1] at umangat sa ikalawa noong 2017.[2]
Si Song Joong-ki ay ipinanganak noong Setyembre 19, 1985 at lumaki siya sa panlabas na kanayunan ng Daejeon, Timog Korea.[3]
Unang lumabas si Song sa kanyang pag-arte sa makasaysayang pelikula na A Frozen Flower.[4] Nagkaroon si Song ng isang pambihirang tagumpay sa pagganap niya sa makasaysayang drama na Sungkyunkwan Scandal kung saan ginampanan niya ang isang babaerong mayaman noong ika-18 siglo na panahon ng Joseon.[5][6]
Noong Hulyo 5, 2017, pinabatid ni Song at kanyang kasama sa Descendants of the Sun na si Song Hye-kyo sa pamamagitan ng kani-kaniyang ahensiya na sila ay nagkasundo magpakasal.[7][8][9] Nakasal sila sa isang pribadong seremonya noong Oktubre 31, 2017 sa Youngbingwan, Hotel Shilla sa Seoul, sa kabila ng interes ng midya sa ibayo ng Asya.[10] Ang seremonya ay dinaluhan ng malalapit sa puso nilang pamilya at kaibigan ng mag-asawa[11], kabilang ang mga aktor na sina Lee Kwang-soo, Yoo Ah-in, at Park Bo-gum na tumugtog din ng piano sa reception.[12][13]
Noong Hunyo 27, 2019, inihayag ni Song Joong-ki na siya ay naghaing ng diborsiyo kay Song Hye-kyo noong nakaraang araw.[14][15] Ang diborsyo ay natapos noong Hulyo 2019.[16]
Noong Disyembre 26, 2022, nakumpirma na si Song ay may nobya na isang Briton.[17][18] Enero 30, 2023, inihayag ni Song na nagpakasal na siya sa kanyang nobya na nagngangalang Katy Louise Saunders, isang dating hamak na aktres,[19] kasabay nito, inihayag din niya ang pagbubuntis sa kanyang unang anak.[20][21] Noong Hunyo 14, 2023, ipinanganak ni Katy ang kanilang anak na lalaki sa isang ospital sa Roma.[22]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.