Talaan ng mga lungsod sa Minnesota
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Minnesota ay isang estado na matatagpuan sa Gitna-Kanlurang Estados Unidos. Ayon sa Senso ng Estados Unidos noong 2010, pandalawampu't-isang pinakamataong estado sa bansa ang Minnesota na may &0000000005303925.0000005,303,925 katao at panlabing-apat na pinakamalaking estado ayon sa lawak ng lupa na umaabot sa 79,626.74 milya kuwadrado (206,232.3 kilometro kuwadrado.[1] Nahahati ang Minnesota sa 87 kondado at may 854 na nainkorporadang munisipalidad. Lahat ng mga nainkorporadang munisipalidad sa estado ay mga lungsod, gaano kaliit man ang populasyon.[2]