Talaan ng mga lungsod sa Rhode Island
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Rhode Island ay isang estado sa New England, Estados Unidos. Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, ang Rhode Island ay pangwalo sa mga hindi mataong estado sa bansa na may &0000000001052567.0000001,052,567 katao at pinakamaliit ayon sa lawak ng lupain na umaabot sa 1,033.81 milya kuwadrado (2,677.6 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Rhode Island sa tatlumpu't-siyam (39) na mga nainkorporadang munisipalidad, kabilang ang walong (8) lungsod at tatlumpu't-isang (31) bayan, na nakapangkat sa limang (5) makasaysayang kondado na umiiral lamang sa heograpiya at walang tungkuling munisipal sapagkat walang pamahalaang antas-kondado (county level of government) ang estado.[2][3] Ang kabuuang estado ay pinamamahalaan ng mga pangasiwaan ng mga bayan maliban sa mga lugar na sa loob ng mga hangganan ng mga lungsod.[3]