Talaan ng mga lungsod sa Syria
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bansang Syria ay administratibong nahahati sa labing-apat (14) na mga gobernado, na nahahati naman sa 65 distrito, na nahahati naman sa 284 sub-districts.[1] Bawat gobernado at distrito ay may sari-sariling sentro o punong lungsod, maliban sa Gobernado ng Rif Dimashq at distrito ng Markaz Rif Dimashq. Gayundin may mga sariling sentro o punong lungsod ang mga sub-district.[1]
Bawat distrito ay may pangalang kapareho sa kaniyang kabisera, maliban sa Distrito ng Mount Simeon na ang kabisera'y lungsod ng Aleppo. Gayundin sa mga subdistrict, maliban sa Mount Simeon Central Sub-district na ang sentro'y lungsod ng Aleppo.