Tizi Ouzou
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tizi Ouzou (Berber: Tizi n Wuzzu, ⵜⵉⵣⵉ ⵡⴻⵣⵣⵓ; Alheryanong Arabo: تيزي وزو) ay isang lungsod sa gitna-hilagang bahagi ng Alherya. Ito ay kabisera ng Lalawigan ng Tizi Ouzou. Ang populasyon nito 135,088 katao noong 2008 (pagtaas mula sa 118,542 katao noong 1998). Ang pangunahing pamantasan sa lungsod ay Mouloud Mammeri University of Tizi-Ouzou.
Tizi Ouzou | |
---|---|
commune of Algeria | |
Mga koordinado: 36°43′01″N 4°02′59″E | |
Bansa | Algeria |
Lokasyon | Tizi Ouzou District, Lalawigan ng Tizi Ouzou, Algeria |
Lawak | |
• Kabuuan | 102.36 km2 (39.52 milya kuwadrado) |
Populasyon (2008, Senso)[1] | |
• Kabuuan | 135,088 |
• Kapal | 1,300/km2 (3,400/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+01:00 |
Galing ang pangalan ng lungsod mula sa salitang Berber na Tizi n Uzzu at binibigkas na Tizuzzu, kadalasang Tizi na nangunguhulugang "silang" (mountain pass), habang ang Azzu ay nangunguhulugang "Forsythia" (ang pang-ukol na n ["of"] ay hindi binibigkas dito). Iyan ang dahilan kung bakit ang lungsod ay kadalasang tinatawag na "The gap of Forsythia".
Nandambong at sinunog ng mga Islamista ang isang simbahang Pentekostal noong ika-9 ng Enero 2010. Ayon sa pari, tumakas ang mga nananampalataya nang hindi pinigilan ng lokal na kapulisan ang isang grupo ng mga lokal na manggugulo.[2]