Trento
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Trento (bigkas sa Italyano: [ˈTrento];[3] kilala sa Ingles bilang Trent;[4] Ladin: Trènt; Aleman: Trient; Cimbrian: Tria[5]) ay isang lungsod sa Ilog Adige sa Trentino-Alto Adige / Südtirol sa Italya. Ito ang kabesera ng lalawigang awtonomo ng Trento. Noong ika-16 na siglo, ang lungsod ang naging lokasyon ng Konsilyo ng Trento. Dating bahagi ng Austria at Austria-Hungary, ito ay isinama ng Italya noong 1919. May halos 120,000 naninirahan, ang Trento ay ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa Alpes at pangalawang pinakamalaki sa Tirol.
Trento Trènt (Ladin) | |||
---|---|---|---|
Comune di Trento | |||
Panorama ng Trento | |||
| |||
Mga koordinado: 46°04′N 11°07′E | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Trentino-Alto Adige/Südtirol | ||
Lalawigan | Lalawigang Awtonomo ng Trento (TN) | ||
Mga frazione | see list | ||
Pamahalaan | |||
• Mayor | Franco Ianeselli, elected 2020 (Left-leaning independent) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 157.88 km2 (60.96 milya kuwadrado) | ||
Taas | 194 m (636 tal) | ||
Populasyon (2018-01-01)[2] | |||
• Kabuuan | 117,997 | ||
• Kapal | 750/km2 (1,900/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Trentini, Tridentini | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigong Postal | 38121-38122-38123 | ||
Kodigo sa pagpihit | 0461 | ||
Santong Patron | San Vigilio | ||
Saint day | Hunyo 26 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Ang Trento ay isang sentro ng edukasyon, siyensiya, pinansiya, at politika sa Trentino-Alto Adige / Südtirol, sa Tirol at Hilagang Italya sa pangkalahatan. Ang Unibersidad ng Trento ay nasa ika-2 pwesto sa 'katamtamang-laki' na Unibersidad sa ranggo ng Senso[6] at ika-5 sa ranggo ng Il Sole 24 Ore ng mga unibersidad ng Italya.[7] Naglalaman ang lungsod ng isang kamangha-manghang sentrong Medyebal at Renasimiyento, na may mga sinaunang gusali tulad ng Katedral ng Trento at Castello del Buonconsiglio.