Unggriya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ungriya (Hungaro: Magyarország) ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa. Hinahangganan ito ng Eslobakya sa hilaga, Ukranya at Rumanya sa silangan, Serbiya at Kroasya sa timog, Eslobenya sa timog-kanluran, at Austria sa kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 93,030 km2 at may populasyon na 9.7 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Budapest.
Hungriya Magyarország (Hungaro)
| |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Budapest 47°26′N 19°15′E |
Wikang opisyal | Hungaro |
Katawagan | Hungaro |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Katalin Novák |
Viktor Orbán | |
Lehislatura | Pambansang Asembleya |
Kasaysayan | |
• Kahariang Kristiyano | 25 Disyembre 1000 |
• Gintong Bula | 24 Abril 1222 |
• Labanan sa Mohács | 29 Agosto 1526 |
• Pagpalaya sa Buda | 2 Setyembre 1686 |
• Himagsikang Liberal | 15 Marso 1848 |
30 Marso 1867 | |
• Tratado sa Trianon | 4 Hunyo 1920 |
• Estadong Pasista | 16 Oktubre 1944 |
• Ikalawang Republika | 1 Pebrero 1946 |
20 Agosto 1949 | |
• Ikatlong Republika | 23 Oktubre 1989 |
Lawak | |
• Kabuuan | 93,030 km2 (35,920 mi kuw) (ika-108) |
• Katubigan (%) | 3.7 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | 9,678,000 (92nd) |
• Densidad | 105/km2 (271.9/mi kuw) (78th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $421.683 bilyon (54th) |
• Bawat kapita | $43,601 (42nd) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $203.829 bilyon (58th) |
• Bawat kapita | $21,075 (ika-57) |
Gini (2020) | 28.3 mababa |
TKP (2021) | 0.846 napakataas · 46th |
Salapi | Forint (HUF) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
UTC+2 (CEST) | |
Kodigong pantelepono | +36 |
Internet TLD | .hu[a] |
|
Pagkatapos ng sunod-sunod na paghahalinhinan ng mga Celt, Romano, Hun, Slav, Gepid, at Avar, ang mga pundasyon ng Unggarya ay naitatag noong ika-siyam na siglo ni Prinsipe Árpád sa katapusan ng Honfoglalás ("pagsakop-sa-lupang-sinilangan"). Naging Kristiyanong kaharian ang Unggarya nang naging pinuno ang kaniyang apo-sa-tuhod na si Stephen I noong 1000 CE. Sa pagdating ng ika-12 siglo, naging isang panggitnang kapangyarihan ang kaharian sa Europa. Pagkatapos ng Labanan sa Mohács nooong 1526 at isa't kalahating siglo ng di-lubusang panankop ng mga Ottomanong Turko (1541-1699), napasailalim sa kontrol ng mga Habsburg ang Unggarya, at naging bahagi ng Austro-Unggaryong Imperyo.