Unibersidad ng Agham, Malaysia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Agham, Malaysia (Universiti Sains Malaysia; acronym: USM) ay isang pampublikong may-awtonomiyang unibersidad sa Malaysia.[1][2] Itinatag noong 10 Hunyo 1969, ito ay kabilang sa mga pinakamatandang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa hilagang Malaysia. Ito ay may tatlong mga kampus, ang pangunahing kampus sa pulo ng Penang, isang health campus sa Kelantan, at isang engineering campus sa Nibong Tebal. Meron din itong external na kolaborasyon sa KLE University, India na nag-aalok ng digring Doctor of Medicine (MD). Ang USM ng may planong buksan ang isang Pandaigdigang Kampus (Kuala Lumpur Campus) matatagpuan sa Kuala Lumpur Education City (KLCE).[3][4] Bilang mayroon itong humigit-kumulang 28,300 graduate at undergraduate students noong 2009,[5] ang USM ay isa sa pinakamalaking unibersidad ayon sa pagpapatala sa Malaysia.