Pamantasang Columbia

From Wikipedia, the free encyclopedia

Pamantasang Columbiamap

Ang Pamantasang Columbia (InglesColumbia University, opisyal na Columbia University in the City of New York) ay isang pribadong Ivy League na unibersidad sa pananaliksik sa Upper Manhattan, Lungsod ng Bagong York. Ito ay itinatag noong 1754 bilang King's College sa pamamagitan ng isang maharlikang tsarter mula kay George II ng Great Britain. Ang Columbia ay ang pinakamatandang kolehiyo sa estado ng New York at ang ikalimang may-tsarter na institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa bansa, kaya't isa ito sa siyam na mga kolonyal na kolehiyo na itinatag bago ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos.[1] Pagkatapos ng mga Digmaang Mapaghimagsik sa Amerika, ang King's College sa madaling sabi ay naging isang entidad ng estado, at ay pinalitan ng pangalan bilang Columbia College noong 1784. Sa pamamagitan ng tsarter ng 1787, inilagay ang institusyon sa ilalim ng isang pribadong lupon ng mga trustee bago ito ay pinalitan ng pangalan bilang Columbia University noong 1896 nang ang mga kampus ay inilipat mula sa Madison Avenue sa kasalukuyang lokasyon nito sa Morningside Heights na sumasakop 32 akre (13 ha) ng lupain.[2][3] Ang Columbia ay isa sa mga labing-apat na tagapagtatag na kasapi ng Association of American Universities, at ang unang paaralan sa Estados Unidos na naggawad ng digring M.D.[2][4]

Thumb
Low Memorial Library
Thumb
Alma Mater
Thumb
College Walk

Ang university ay organisado sa dalawampung paaralan, kabilang ang Columbia College, School of Engineering and Applied Science, at School of General Studies. Ang unibersidad ay merong mga sentro sa pananaliksik sa Amman, Beijing, Istanbul, Paris, Mumbai, Rio de Janeiro, Santiago, Asunción at Nairobi.[5] Ito ay may afilyasyon sa ilang iba pang mga kalapit na institusyon, kabilang ang Teachers College, Barnard College, at Union Theological Seminary, at may magkasanib na mga undergraduate mga programa kasama ang  Jewish Theological Seminary of America, sa University College London,[6] Sciences Po,[7] City University of Hong Kong,[8] at Juilliard School.[9]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.