Unibersidad ng Johannesburg
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Johannesburg (Ingles: University of Johannesburg) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Johannesburg, South Africa. Ang Unibersidad ng Johannesburg ay nalikha noong Enero 1, 2005 bilang resulta ng pagsasanib ng Pamantasang Rand Afrikaans (Rand Afrikaans University, RAU), Technikon Witwatersrand (TWR) at mga kampus sa Soweto at East Rand ng Pamantasang Vista (Vista University). [1]
Ang bagong institusyon ay isa na ngayon sa mga pinakamalaking komprehensibong unibersidad [2] sa South Africa. Ang UJ ay natransporma bilang isang inklusibo at kolehiyal na institusyon, na may populasyon na mahigit sa 50 000 mag-aaral mula sa 80 bansa. [3]