Unibersidad ng Tesalonica Aristoteles
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Tesalonica Aristoteles (Ingles: Aristotle University of Thessaloniki, A.U.Th.; Griyego: Αριστοτέλειο Πανεπιστήμιο Θεσσαλονίκης) ay ang ikaanim na pinakamatandang institutsyon ng mas mataas na edukasyon sa Gresya. Ito ay ipinangalan sa pilosopong si Aristoteles, na ipinanganak sa Stageira, 55 km sa silangan ng Tesalonica.
Ito ang pinakamalaking unibersidad sa Gresya at sa rehiyong Balkan.[1] Ang kampus nito ay sumasaklaw sa 230,000 metrong parisukat sa sentro ng Tesalonica, na may karagdagang mga pasilidad pang-edukasyon at administratibo sa ibang lugar.