Weekly Shōnen Jump
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Weekly Shōnen Jump (Hapones: 週刊少年ジャンプ, Hepburn: Shūkan Shōnen Janpu, inistilo sa Ingles bilang WEEKLY JUMP) ay isang lingguhang antolohiyang manga na shōnen na nilathala sa bansang Hapon ng Shueisha sa ilalim ng linya ng magasin na Jump. Ito ang pinakamabentang magasin na manga,[1] gayon din bilang ang matagal nang umiiral; ang unang isyu ay nailabas na may petsa ng pabalat na Agosto 1, 1968. Ang seryeng manga sa loob ng magasin ay tinatarget ang mga batang lalaki na mambabasa at madalas na binubuo ng mga eksenang aksyon at ilang komedya. Ang mga kabanata ng serye na tumatakbo sa Weekly Shōnen Jump ay kinokolekta at nilalathala sa mga bolyum na tankōbon sa ilalim ng "Jump Comics" na imprenta sa kada dalawa hanggang tatlong buwan.
Agarang impormasyon Patnugot, Kategorya ...
Patnugot | Masahiko Ibaraki |
---|---|
Kategorya | Shōnen manga |
Dalas | Semimonthly (1968–1969) Weekly (1969 Oktubre–kasalukuyan) |
Sirkulasyon | 2,809,362 (2009) |
Tagalathala | Kazuhiko Torishima |
Unang sipi | Hulyo 2, 1968 |
Kompanya | Shueisha |
Bansa | Hapon |
Wika | Hapones |
Websayt | shonenjump.com/e/ |
Isara